P404.00
Laman ng wallet ko. Salamat naman sa Diyos at may naipon ako kahit papano ngayung linggong to. Di ko alam kung bat ako nagiipon, siguro gusto ko lang yung feeling na may laman yung wallet ko. Pero parang di ren.
Pagiipon at pagtitipid - Isa sa mga magaganang katangian na natutunan ko habang kasama ko pa si “the-best-gf-that-i-never-had”(refer to this post). Natuto ako mag-ipon dahil sakanya kasi madalas kapag nagkikita kami biglaan na lang. Eh nung first time kaming gumala magkasama wala akong dalang pera. Gustong gusto ko sya ilibre nun kaso walang wala talaga ako, pamasahe lang talaga dala ko. Actually di naman talaga sya maluhong babae, simpleng ice cream cone lang masaya na sya.
Since then pinangako ko sa sarili ko na di ko mawawalan ng pera sa wallet ko. Para sa susunod na magkita kami malilibre ko sya o kaya mabibile ko kung ano man ang gusto nya. Kahit na di sya maluho gusto ko pa rin na prepared ako just in case lang. Yung mga sumunod na pagkikita namin after nung first eh di na bumababa ng P600.00 ang laman ng wallet ko.
Kaya madalas kong sinasabi na galante ako, totoo yun walang halong biro. Pero siguro hanggang dalawang tao lang kaya ko ilibre kasi kelangan ko paren ng pera para sa sarili ko. Minsan din naman ginagastos ko yan eh. Sa damit, mcdo, shades, starbucks o kaya seattle’s best, at kung ano ano pang matripan ko.
Pero syempre di ko hinahayaan bumaba ng certain value yung laman ng wallet ko, minimum na siguro yung P300.00. Pag bumaba yung dun todo tipid mode na ko hanggang sa mabawi ko yung P300.00 na yun.
So ayun, pagtitipid at pagiipon. :/